Total Pageviews

Friday, December 16, 2011

RH bill,.... bakit hindi ako pabor

     Hindi dahil ako ay masunuring katoliko o pro-life, kundi naisip ko lang, bakit kailangan natin ng ganitong programa sa bansa kung ito naman ay tungkol sa personal na pagpapasya ng pamilya. Madami sa kanila ang payag sa ganitong pamamaraan upang makontrol ang paglobo ng populasyon sa bansa, ngunit ito nga ba ang mainam na pamamaraan?
Di ko alam kung sino gumawa nito, but thanks,... ganda ng drawing
     Ang problema ng ating bansa ay hindi masusulusyunan ng isang programa kung mismong ang mga mamamayan nito ay hindi lahat makaunawa at walang kaukulang kaalaman kung paano susundin. Isa pa, karapatan ng mamamayan kung ilan ang nais nilang anak. Bagama't talamak nga ang kahirapan sa bansa, hindi ito ang problema, nasa tao na hindi halos mabigyan ng kaukulang impormasyon dahil pinili na lamang na ilabas ito sa mga media na minsan pa ay nabibigyan ng drama, ika nga, na nagbubunsod sa mga tao na mabaling ang atensyon sa emosyong hatid ng balita (gets?).
     Ang kahirapan ay may kinalaman din naman na malaking populasyon, kung malaki ito, mataas ang bilang ng konsumo at madaling nauubos ang pinagkukunang yaman. Mataas ang populasyon, maraming  bata, maraming umaasa kesa sa inaasahan, ang labas kahirapan. Pero sa palagay ko, tao parin ang sentro ng ganitong problema. Kung ang tao ay binigyan ng sapat na kaalaman buhat sa mga programa ng pamahalaan, maliliwanagan sila upang magkontrol sa pagpapamilya. Sabi ng isa kong guro, moderno na tayo, di na dapat pinakikialaman ng bibliya ang tiyan ng kababaihan,.... pero ang sabi ko naman, kahit hindi naman makialam ang bibliya dyan eh tuloy-tuloy padin naman yang lolobo.
     Kung ang pamahalaan ay magsusumikap na makontrol ang lumalaking populasyon, hindi kailangan ng RH bill, bakit? naglipana ang contraceptives sa mga drugstore at mga health center, ang iba nag-eexpire, itinatapon, minsan pinagkakamalan pang lobo ng mga bata at ginagawang laruan. Naalala ko ng nasa probinsya ako, nakapulot yung mga pinsan ko ng ganito, ang akala lobo, pinaglaruan, ayun takbo sa kalsada ng makita ng tita ko, ayun nagulat,... mga expired na contraceptives. Matagal ng ipinapamahagi ito sa mga probinsya at mga siyudad, sa mga drugstore, nasa counter lang, pwede pang mamili kung TRUST o FRENZIE diba? may kasama pang flavor, ang problema lang dito ay hindi naipaliwanag ng maayos sa kabataan na madalas masangkot sa pre-marital sex ang kahalagahan sa paggamit nito at kung paano ito gagamitin, kaya't nahihiya bumili at hayun, maagang nabubuntis. Isa pa ay ang pagpapatupad ng batas na may kasamang pondo, siyempre, hindi pwedeng walang pondo diyan kung ito ay ipapatupad, kaya't prone siya sa corruption o di naman kaya, sabihin na natin walang corrupt, masasayang lang ang pera sa mga programa gaya ng seminar na yung ibang nanay ay kakatulugan lang naman ito, yung mga ipangbibili ng mga contraceptives na ipapamahagi na hindi naman maibibigay lahat dahil yung iba dya tatamarin ibigay.
    Madami pang maaaring maging dahilan kung bakit tutol ako sa ganitong programa. Sinasabi ko lang ang aking pananaw hinggil dito, di ko naman sinasabi na sumunod ka sa akin o awayi mo ako dahil meron tayong kanya-kanyang pananaw dito.

No comments:

Post a Comment