Total Pageviews

Wednesday, December 21, 2011

LRT 1- ang nakakainis na serbisyo publiko

Una sa lahat, ito ay pananaw ko lang, sa mga magrereact against this post ngayon palang sinasabi ko na, pasensya po.

Ang klase ko ay di regular ang time, minsan 7 ng umaga, sa susunod naman 8:30 am.
Madalas akong malate sa klase ko dala ng kakuparan kong kumilis at aminado naman ako doon, pero hindi ibig sabihin nito na dahil panay akong late ay isisisi ko sa LRT ang aking kagagawan, sadyang may mga araw lang talaga na kahit ang aga mo na sa istasyon, malalate ka parin.
Hindi ako sumasakay ng jeep o FX at lalo naman ng taxi dahil sa traffic kaya't araw-araw yan may stored value card ako para makatipid na din, well anyway, may mga pagkakataon talaga sa LRT kahit na sobrang aga ka pupunta sa istasyon ay malilate ka padin dahil sa medyo problemadong pamamahala nila sa mga pasahero.

Isang beses, just this month (December), ang aga kong dumating para naman maaga ako makarating sa klase ko, kaso ang problema iisa lang ang tren na nakastandby at ng may dumating pa na isa ay umalis na ang nakatigil pero sa kasamaang palad kahit kakaunti lang kami na nandun na pasahero ay di parin kami pinasakay kasi skip train daw at para sa EDSA yun,.... siyempre relax lang ako kasi mahaba pa yung oras, inagahan ko nga eh, ng dumating yung isang tren nag skip ulit ito, hanggang sa dumami yung pasahero na nag-aantay, then next train ulit, ayun nagpasakay pero almost 10 mins ata bago dumating yung 3rd train, pagkasakay ko, sobrang tagal naman ng pagkakahinto. Nakakainis na part dun,... yung mga nagddrive ng tren parang wala lang sa kanila, at di nila inaalala na yung mga sumasakay ay may hinahabol na oras, magkukuwentuhan, magkakape, magpapaskip ng tren, eh mga pasahero naman kami, pare-pareho lang kami ng bayad mapupuno't-mapupuno din naman yun sa EDSA. Ito pa, minsan pag pauwi ako, inaabot ng almost 15 mins. ang interval ng bawat darating na tren, diba nakakainis? pagkatapos yung darating punong-puno,.. di ka na makasiksik tas mabagal,....

Ito ba yung klase ng serbisyo na ibinibigay sa publiko? yung magtataas ng pamasahe eh hindi nga maayos ang pamamalakad.

No comments:

Post a Comment