Nitong November 30 ay ipanagdiwang ang kaarawan ni Bonifacio,... at syempre holiday kaya masaya, kaso ang problema wala talaga kaming pasok nun. Ang nakakatuwang balita sa araw na yun ay ang pagsusulong ng ilang grupo ng kabataan ng kursong Bonifacio sa college para naman mabigyan ng importansiya ang isa sa mga magiting na tao, kaso nga ay nalaluan siya ng higit ni Rizal sa katanyagan at kadakilaan buhat sa kaniyang adhikain para sa bansa. Siyempre madaming tutol sa isinusulong na dagdag na subject, kasi naman sa hirap ng buhay ngayon, dagdag bayarin na naman ito dahil sa dagdag units ito sa courses kaya ang iba hiniling nalang na baguhin na ang Rizal course na di pwede para sa mga naniniwalang kailangan ito ng bagong henerasyon.
Bakit si Rizal pinag-aaralan parin hanggang ngayon?
Mula siguro grade 1 haggang college, sa piso, sa pusporo, sa mga naglipanang statuwa, poster, ang daming mukha ni Rizal. Madami ng pantas ang nag-aral at patuloy na inaaral siya at ang kaniyang mga gawa, lagi siyang sento ng mga debate at pilit siyang ginagawang tao mula sa kanyang mala-diyos na katangian, pero bakit kailangan siyang pag-aralan pa? Simple lang sa tingin ko, di pa kasi natatamo ng bansa ang tunay na kasarinlan. Mahigit isangdaan na tayong malaya, pero hindi parin nakakalaya ang ating mga isipan sa pagkakatali sa mga painiwala at pananaw ng kanluran.
Isa pang dahilan sa tingin ko ay ang matindi nating paghanga sa ibang bansa na hanggang doon lang sapagkat para bang namamangha lang tayo pero di naman natin ginagawan ng sariling pag-iibayo ang sariling atin.
Kunti lang yung masasabi mong merong kaalamang pangkasaysayan, meron man, di naman kritikal kaya paulit-ulit na nagkakamali. Si Rizal, kaya hanggang ngayon ay buhay dahil nangangailangan parin ang kabataan ng isang tao na bibigyan sila ng inspirasyon upang paunlarin ang bansa. kaya ituro ang Rizal ng may sense, hindi yung kung sino ang kanyang mga naging babae sa buhay, sino ang aso o isa-isahin ang kaniyang mga kapatid di kaya alamin ang kaniyang buong pangalan.
No comments:
Post a Comment