Total Pageviews

Saturday, January 14, 2012

Paano ba maging PNUan.....

     Philippine Normal University ang pangalan ng school ko, kilala sa paghuhubog ng mga mahuhusay na guro ng bayan at karangalan kong maging studyante dito. Syempre nasabi ko 'to dahil dito ako nag-aaral at dahil sa malaki ang binago nito sa akin. Ngunit paano nga ba maging PNUan? Ano ba ang pakiramdam na maging estudyante ka dito?. Ganito ko sya ilalarawan; masarap, mahirap, masaya, malungkot, nakakabaliw, at nakakaproud,....
     Masarap, kasi sa PNU hindi mo man makilala lahat o mamukhaan mga studyante dito, di mo mararamdamang loner ka o walang kakilala dahil ang mga tao dito bagama't ilan sa kanila ay taklesa at balahura, palakaibigan naman. Isa pa, dahil sa nasa gitna siya ng kabihasnan, sa PNU mo mararamdaman ang monasteryo sa pusod ng lungsod,.... Tahimik, hindi magulo, mapuno.
     Mahirap, kasi bahagi yun ng training para maging mahusay na estudyante at professional. Pag 'di mo pa maramdaman ang hirap, isa lang ang ibig sabihin niyan, 'di ka papasa (promise!). Kahit sino naman siguro na gustong pumasa at makatapos ay makakaramdam ng hirap, iba-ibang level nga lang. Isa pang dahilan kung bakit mahirap dahil, intense ang training, kumbaga kailangan mahasa ng husto dahil matapos maranasan ang hirap, kakaibang saya ang mararamdaman mo, gaya ko, matapos ang thesis, di ko maipaliwanag ang saya.
     Malungkot kasi hindi pangmatagalan ang pag-aaruga ng Alma mater, pero hangga't alam niya na nahasa niya ng husto para maging magaling na guro ang kanyang mga studyante, masaya na rin siya dun.
     Nakakabaliw dahil sa mga requireents and projects, sometimes I pause and tell myself, with all this thing, where the hell can I buy miracle, only to find out that it was not for sale so I have to try harder and it works,... (LOL) matapos makalampas sa kung ano-anong requirements, surely you will feel proud of yourself, dahil ako, nasabi ko sa sarili kong kaya ko din naman basta matiyaga at madiskarte lang.

No comments:

Post a Comment